Добавил:
Upload Опубликованный материал нарушает ваши авторские права? Сообщите нам.
Вуз: Предмет: Файл:
part 1.docx
Скачиваний:
2
Добавлен:
01.07.2025
Размер:
195 Кб
Скачать
☆
  1. 1. Teacher’s Guide sa esp

2. Tsart

III. PAMAMARAAN

  1. 1. PAGSASANAY

  • Panalangin

  • Awit

2. BALIK-ARAL

  • Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa?

  • Magbigay ng mga halimbawa.

  1. 1. Paglalahad

  • Ipakita ang larawan ng mag-aaral.

2. PAGTALAKAY

  • Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

  • Anu-anong paraan ang inyong magagawa upang pakitunguhan ang mag-aaral na ito?

  • Pumili ng mag-aaral na magbahagi ng kanilang kasagutan.

3. PAGLALAHAT

  • Paano ka makakatulong sa nangangailangan?

4. PAGLALAPAT

  • Iguhit ko paano ka makakatulong sa kapwa nangangailangan.Kulayan ito.

IV.PAGTATAYA

Isa-isang magbahagi ng paraan kung paano makakatulong sa kapwa.

V.KASUNDUAN

Ipangako na tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Filipino

  1. LAYUNIN

  • Natutukoy ang salitang magkasingkahulugan

  1. 1. Patnubay ng Guro sa Filipino

2. Larawan, Tsart

III. PAMAMARAAN

  1. 1. PAGSASANAY

  • Maganda- ma__r__ki__

  • Mataas- m__ba__a

2. BALIK-ARAL

  • Ano ang magkasingkahulugan?

  • Ano ang magkasalungat?

  1. 1. Paglalahad

  • Ipakita ang mga larawan sa mga mag-aaral.

  • Ilarawan ang mga ito.

  • Ano ang nakikitang pagkakapareho sa dalawang larawan?

  1. Manghang-mangha sa Luis sa lapad ng sakahan at lawak ng simbahang kanyang nakita sa Davao.

  2. Nais ni Ruben na maging doctor sa kanyang paglaki at gusto rin niya na sa kanilang probinsya manggamot ng mga maysakit.

2.PAGTALAKAY

  • Anu-ano ang mga pares ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?

  • Ano ang iyong masasabi sa bawat pares ng salitang ito?

  • Isulat sa pisara ang mga pares ng salita at ipabasa ng sabayan sa mga mag-aaral.

3.PAGLALAHAT

  • Ano ang salitang magkasingkahulugan?

4.PAGPAPAHALAGA

  • Ano ang mabuting dulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa kasingkahulugan ng isang salita ana mababasa sa teksto?

5.PAGLALAPAT

  • Tukuyin at isulat ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.

  1. Ang pagiging dukha ay hindi hadlang sa pagtupad sa pangarap.

  2. Tuwing buwan ng Disyembre ay mararamdaman ang ginaw sa paligid.

  3. Maigsi ang palda ni Nene kaya’t napapatingin ang ilang kalalakihan sa kanya.

  4. Matarik ang bundok na inakyat nina Itay at Kuya noong isang Linggo.

  5. Ben batugan ang bansag kay Ben ng kanyang mga magulang dahil sa pahirapan sa pag-utos dito.

IV.Pagtataya

Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Marikit luntian mabilis

madilim kabaitan kahambugan

  1. Maliksing kumilos ang alagang kuneho ni Angelo.

  2. Marikit ang pinsan ni Berto na si Maya.

  3. Kulay berde ang bagong bestida ni Bernadette.

  4. Marahil ay malapit nang bumuhos ang malakas na ulan dahil sa makulimlim na langit.

  5. May taglay na kayabangan ang anak ni Mang Celso.

Соседние файлы в предмете [НЕСОРТИРОВАННОЕ]