Добавил:
Upload Опубликованный материал нарушает ваши авторские права? Сообщите нам.
Вуз: Предмет: Файл:
part 7.docx
Скачиваний:
2
Добавлен:
01.07.2025
Размер:
2 Мб
Скачать
☆

I. Layunin

  • Natutukoy ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad ng mga karapatan sa buhay ng tao at komunidad

II.1.Mga Karapatan ng Komunidad

2.mga larawan,

III. Pamamaraan

  1. PANIMULANG GAWAIN

  1. PAGSASANAY

  • Paghambingin ang epekto ng pagtupad at di pagtupad ng mga karapatan.

  1. BALIK-ARAL

  • Balik-aralan ang nakaraang aralin.

  1. PANLINANG NA GAWAIN

  1. PAGGANYAK

  • Magpakita ng larawan ng mga batang nag-aaral at namamalimos na bata.

  • Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng pagtupad sa karapatan?

  1. PAGLALAHAD

  • Ipaskil ang sumusunod na sitwasyon.

  • Kumakain ng masustansyang pagkain ang mga anak ni Aling Sedes.Ano ang magiging epekto nito sa kanila?

  • Ang magkakapatid na Boyet at Angel ay nakatira sa gilid ng riles ng tren.

  • Tinutulungan ni Aling Susan ang kanyang anak sa mga takdang aralin nito.

  • Hindi regular ang pangongolekta ng mga basura ng mga basurero sa komunidad nina Arlene kaya’t nilalangaw at binubungkal ng mga hayop ang ilan sa mga basura sa labas ng mga bahay.

  • Hindi pinapayagan si Jose ng kanyang ina na makipaglaro sa mga batang kasing edad niya sa kanilang komunidad.

  1. Pagtalakay

  • Alin sa mga sitwasyon sa paglalahad ang hindi nagpapakita ng pagtupad sa mga karapatan sa buhay ng tao at komunidad?

  • Ano kaya ang maaaring maging epekto nito sa mga tao at sa komunidad?

  • Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagtupad sa mga karapatan sa buhay ng tao at komunidad?

  • Ano ang kahalagahan ng pagtupad sa mga karapatang ating tinalakay noong mga nakaraang araw?

  1. Paglalahat

  • Ano ang kahalagahan ng pagtupad sa mga karapatan sa buhay ng tao at sa komunidad?

  1. Paglalapat

  • Gumuhit ng larawan ng nagpapakita ng paghahambing sa pagtupad at di pagtupad sa mga karapatan sa buhay ng tao at sa komunidad?

IV. PAGTATAYA

Tukuyin ang mga epekto at ng pagtupad at hindi pagtupad sa mga karapatan ng tao at sa komunidad.

  1. _____________________

  2. _____________________

  3. _____________________

  4. _____________________

  5. _____________________

V. KASUNDUAN

Mag-aral pang mabuti.

ESP

I. LAYUNIN

  • Naipakikita ang pasasalamat sa mga talino at kakayahang bigay ng Panginoon.

II.1. Pagpapaunlad ng talino at kakayahang bigay ng Panginoon

2. larawan

III. PAMAMARAAN

  1. PANIMULANG GAWAIN

  1. PAGSASANAY

  • Panalangin

  • Awit

  1. BALIK-ARAL

  • Balik-aralan ang nakraang aralin.

  1. PANLINANG NA GAWAIN

  1. PAGGANYAK

  • Mula sa pagpapahalaga sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw, gabayan ang mga bata tungkol sa tamang paraan upang lalo pa nila mapapaunlad ang kanilang mga talino at kakayahan.

  • Ikaw ba ay may natatanging talino at kakayahan?

  • Masaya ka ba sa talino at kakayahang mayroon ka?

  • Sa paanong paraan mo ginagamit at pinauunlad ang mga biyayang bigay sa iyo ng Panginoon?

  1. PAGLALAHAD

  • Ganyakin ang klase sa pamamagitan ng pagbasa ng tulang “Munting Bata” pahina 273 ng modyul.

  1. PAGTALAKAY

  • Ano-anong talino at kakayahan ang taglay ng munting bata?

  • Sino ang dapat nating pasalamatan sa mga biyayang mayroon tayo?

  • Sa paanong paraan mo ipinakikita ang pagpapasalamat para sa mga ito?

  1. PAGLALAHAT

  • Paano mo pauunlarin ang iyong talino at kakayahan?

  1. PAGLALAPAT

  • Ipagawa ang gawain sa modyul pahina 274 - 275. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

IV. PAGTATAYA

Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang iyong pasasalamat sa talino at kakayahang bigay ng Panginoon.

V. KASUNDUAN

Isapuso: Matutong magpasalamat sa mga biyaya,talino at kakayahang bigay ng Panginoon.

Соседние файлы в предмете [НЕСОРТИРОВАННОЕ]